• Random
  • Archive
  • RSS
  • Ask the Presidential Museum and Library
banner

“Ang pag ibig ko sa iyo ay hindi nag bago kailanman. Ang puso at buhay ko’y iyo lamang. Walang asawa na makakatulad ka sa bait at sa lahat ng bagay. Ang buong kaligayahan ay tinanggap ko sa iyo.” A letter dated October 23, 1934, from President Manuel L. Quezon to his wife Aurora Aragon Quezon, with a postscript to his three children:

____________________

My sweetheart:

Kararating ko lamang dito sa Hospital. Kinakailangang operahin ako, sapagkat ang bato ay malaki at hindi raw makakalabas sa ureter. Mabuti na lamang at hindi ako bumalik nang ako’y nasa Java, at kung bumalik ako ay pihong na desprasia sana ako at walang makakaopera sa akin dian.

Samakalawa ang operasion. Mabuti at wala ka dito para hwag mahirapan ang loob at malalaman mo na lamang kung ako’y mabuti na sa awa ng Dios.

Hindi ko ina-ala-ala ang mangyayari sa akin, sapagkat hindi rao mahirap ang operasion at si Dr. Young ay siya ang magaling sa lahat sa operasiong ito. At lalo pa mandin ay ako’y uma-asa sa awa ng Dios na makapangyayari sa lahat. Gayon man baka sakali may mangyari sa akin, ay ikaw na ang bahala sa ating manga anak. Tapangan mo ang loob mo sapagkat kung magkasakit ka ay walang mag-a-alaga sa atang manga anak.

Dinaramdam kong ang aking buhay ay hindi ko naiukol sa iyo at sa atang manga bata; datapwat ikaw na rin ang nag bigay tibay sa akin upang ipagpatuloy ang pag lilingkod sa ating Inang Bayan.

Buhay ko—Hindi ko hahabaan ang sulat na ito sapagkat ayao kong malinga at sa operasion ay kina-kailangang masaya ang loob ko. Sa kaunting sasabihin ko ay ikaw na ang mag puno.

Patawarin mo ako sa lahat ng aking naging kamalian sa iyo. Ang pag ibig ko sa iyo ay hindi nag bago kailanman. Ang puso at buhay ko’y iyo lamang. Walang asawa na makakatulad ka sa bait at sa lahat ng bagay. Ang buong kaligayahan ay tinanggap ko sa iyo. Sa oras na ito ay paniwalaan mo ang sinasabi ko at manggagaling sa kaibuturan ng aking kaluluwa.

Ipanalangin mo ako at ipanalangin ako ng atang manga anak. Kayong lahat ay hinahalikan ko, yinayakap at ipinananalangin sa ating Dios. Kung ito’y katapusan ay doon ko kayo i-intayin sa kapayapaan ng langit at hindi ko kayo lilimuting bantayan at sa pamamagitan ng Maykapal ay ili-ligtas ko sa madlang panganib.

Adios – buhay ko.

Manuel.

- - - 

Baby, Nini, Nonong.

Manga anak kong minamahal,

Magpakabait kayo. Sundin ninyo ang kalooban ng mama at magmahalan kayong lahat. Ipanalangin ninyo ang Papa at patawarin siya.

Hangan sa langit, manga buhay ko, 

Ang Papa.

_ _ _ 

Ito’y hindi ilalagay sa Koreo kung ang operasion ay mahusay ang resulta.

Ako rin.

    • #Manuel L. Quezon
    • #Quezon Day
    • #history
    • #pinoy
    • #Philippines
    • #Philippine History
    • #vintage
    • #Quezon Day 2012
  • 9 months ago
  • 172
  • Permalink
  • Share
    Tweet

172 Notes/ Hide

  1. psychobetsy likes this
  2. sarahrahrahh likes this
  3. worstandirresistiblegem reblogged this from peypilya
  4. worstandirresistiblegem likes this
  5. chiefpresidingofficer reblogged this from malacanan
  6. tumblingsatumblr likes this
  7. felinechild likes this
  8. cakespeare reblogged this from randomblips
  9. sahatinggabi likes this
  10. sahatinggabi reblogged this from sashawantsmore
  11. heyamiel reblogged this from ninjaonthedancefloor
  12. tooaudtobeodd reblogged this from malacanan
  13. isangextrarice reblogged this from malacanan
  14. predisposedchampi reblogged this from junsabayton
  15. predisposedchampi likes this
  16. bagelatpandesal likes this
  17. pcis2dnt likes this
  18. teleportmetothefuture likes this
  19. kabagkid reblogged this from junsabayton and added:
    God created Love therefore “Walang pag-ibig na di totoo” #beng!
  20. kabagkid likes this
  21. laruhhh likes this
  22. najjy likes this
  23. dackysopias reblogged this from gianinagarcia
  24. gianinagarcia reblogged this from kayeblecar
  25. herwonderwall reblogged this from escapists
  26. lilmikomiko reblogged this from cheriper
  27. geezzlle likes this
  28. thebravestsoul reblogged this from cheriper
  29. wizardingworld likes this
  30. kumakarenkeng reblogged this from vintagewonderland
  31. kumakarenkeng likes this
  32. cheriper reblogged this from vintagewonderland
  33. ninjaatnight reblogged this from pi-stachioesque
  34. vnssnrqz likes this
  35. hidinginvain likes this
  36. vintagewonderland reblogged this from pi-stachioesque
  37. pi-stachioesque reblogged this from ninjaonthedancefloor
  38. magpapakasayaako likes this
  39. asugardreams likes this
  40. groovybacon reblogged this from muntingprinsipe
  41. soloflight likes this
  42. thecursedten likes this
  43. rustyrandom reblogged this from junsabayton
  44. dyanayangco reblogged this from malacanan
  45. dyanayangco likes this
  46. burntbrain reblogged this from junsabayton
  47. janycrayford reblogged this from vas0pressin
  48. janycrayford likes this
  49. joesavogue likes this
  50. amirathegreat reblogged this from malacanan
  51. Show more notesLoading...
← Previous • Next →

Presidential Museum and Library

Portrait/Logo

The Philippine narrative, its curiosities, and other stories. From the Presidential Museum and Library, and managed by the PCDSPO.

Pages

  • About
  • History of the Presidential Museum
  • History of the Library
  • Select Bibliography and Partner Institutions
  • RSS
  • Random
  • Archive
  • Ask the Presidential Museum and Library
  • Mobile

Effector Theme by Carlo Franco.

Powered by Tumblr